i-am-geloous
escafeism:

Gusto mo siya kasi sweet siya. Lalaking lalaki siya tingnan, maangas, makulit, pero pagdating sayo umaamo siya. Nagiging sweet siya, bini baby ka niya, at minsan nagiging korny na yung mga galaw niya. Pero okay lang, kasi ang cute cute niya naman tingnan.
Gusto mo siya kasi protective siya sayo. Kapag kausap mo siya nararamdaman mo na may halaga ka talaga sa kanya kasi sobrang iniingatan ka niya. Pinagbabawalan ka niya, hindi dahil sa selfish siya pero dahil ayaw niyang may mangyaring masama sayo. Yun yung sa tingin niya eh makakabuti sayo. 
Gusto mo siya kasi tanggap ka niya. Tanggap niya yung pagiging moody mo, pagiging selfish mo, pagiging prangka mo, pagiging selosa mo at pagiging childish mo. Naiintindihan ka niya at tanggap na tanggap ka niya. Ni minsan din hindi ka niya hinusguhan sa mga maling desisyon mo sa nakaraan. Minahal niya na din pati yung mga bad sides mo.
Gusto mo siya kasi hindi ka niya sinusukuan. Matitiis niya lahat ng mga pananakit mo, pang-iinsulto mo, lahat lahat. Ang hindi niya lang kaya eh yung mawala ka sa tabi niya. Hinahabaan lang niya yung pasensya niya sayo, kahit nasasaktan na siya iniisip niya nalang yung mga good memories niyo at nagkaka-hope agad siya na magiging okay din kayo. 
Gusto mo siya kasi hindi siya boring kasama. Kapag magkasama kayo puro tawanan, asaran at kulitan lang. Nasasakyan niyo yung trip ng isa’t isa. Pareho kayo ng mga gusto at hindi gusto. Kapag magkasama kayo nakakalimutan mo yung ibang tao, at sa sobrang saya mo nakakalimutan mo yung mga problema mo.
Gusto mo siya kasi nanjan lang siya lagi para sayo. Handa siyang makinig sa mga hinaing mo, mga drama mo sa buhay at mga kaartehan mo. Hindi ka niya iiwanan, palagi lang siyang nasa tabi mo lalo na sa mga panahong kailangan na kailangan mo ng makakausap. Handa din siyang tulungan ka sa mga problema mo, papagaanin niyo lahat ng dinadala mo kasi mahal na mahal ka niya at ayaw niyang mahirapan ka pa.


♥

escafeism:

  • Gusto mo siya kasi sweet siya. Lalaking lalaki siya tingnan, maangas, makulit, pero pagdating sayo umaamo siya. Nagiging sweet siya, bini baby ka niya, at minsan nagiging korny na yung mga galaw niya. Pero okay lang, kasi ang cute cute niya naman tingnan.
  • Gusto mo siya kasi protective siya sayo. Kapag kausap mo siya nararamdaman mo na may halaga ka talaga sa kanya kasi sobrang iniingatan ka niya. Pinagbabawalan ka niya, hindi dahil sa selfish siya pero dahil ayaw niyang may mangyaring masama sayo. Yun yung sa tingin niya eh makakabuti sayo. 
  • Gusto mo siya kasi tanggap ka niya. Tanggap niya yung pagiging moody mo, pagiging selfish mo, pagiging prangka mo, pagiging selosa mo at pagiging childish mo. Naiintindihan ka niya at tanggap na tanggap ka niya. Ni minsan din hindi ka niya hinusguhan sa mga maling desisyon mo sa nakaraan. Minahal niya na din pati yung mga bad sides mo.
  • Gusto mo siya kasi hindi ka niya sinusukuan. Matitiis niya lahat ng mga pananakit mo, pang-iinsulto mo, lahat lahat. Ang hindi niya lang kaya eh yung mawala ka sa tabi niya. Hinahabaan lang niya yung pasensya niya sayo, kahit nasasaktan na siya iniisip niya nalang yung mga good memories niyo at nagkaka-hope agad siya na magiging okay din kayo. 
  • Gusto mo siya kasi hindi siya boring kasama. Kapag magkasama kayo puro tawanan, asaran at kulitan lang. Nasasakyan niyo yung trip ng isa’t isa. Pareho kayo ng mga gusto at hindi gusto. Kapag magkasama kayo nakakalimutan mo yung ibang tao, at sa sobrang saya mo nakakalimutan mo yung mga problema mo.
  • Gusto mo siya kasi nanjan lang siya lagi para sayo. Handa siyang makinig sa mga hinaing mo, mga drama mo sa buhay at mga kaartehan mo. Hindi ka niya iiwanan, palagi lang siyang nasa tabi mo lalo na sa mga panahong kailangan na kailangan mo ng makakausap. Handa din siyang tulungan ka sa mga problema mo, papagaanin niyo lahat ng dinadala mo kasi mahal na mahal ka niya at ayaw niyang mahirapan ka pa.

♥